Budget para sa SRA ng health workers, pwedeng habulin kahit paso na ang Bayanihan 2

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, maaari pang habulin ang budget para sa Special Risk Alowance (SRA) ng mga health worker na isinauli na ng Department of Health (DOH) dahil napaso na ang Bayanihan 2 noong June 30.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Officer-in-Charge (OIC) Tina Rose Canda na hindi na nila mabibigyan ng pondo ang SRA dahil paso na ang Bayanihan 2 at kailangan ng bagong batas.

Paliwanag ni Angara, malinaw sa Bayanihan 2 na dapat ipagpatuloy ang pagbibigay ng SRA hanggang hindi binabawi ng pangulo ang deklarasyon ng national emergency dahil sa COVID-19 pandemic.


Facebook Comments