You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Pasay City General Hospital, muling nagbukas

Kinumpirma ng pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) na bukas na muli sila sa pagtanggap ng COVID-19 at non-COVID patients.

Sa ngayon, ang naturang pagamutan ay may bakanteng 1 regular adult COVID-19 bed, 1 adult COVID-19 Intensive Care Unit (ICU) bed, at 2 regular COVID-19 ICU beds.

Gayunman, punuan na anila ang kanilang adult at pedia transition beds.

Isang COVID-19 patient naman ang binawian ng buhay sa PCGH.

Sa ngayon, 91% ang occupancy rate sa COVID-19 wards habang 100% ang occupancy para sa adult at pedia transition rooms.

79% naman ang occupancy ng ospital sa adult at pedia COVID-19 ICU beds.

Facebook Comments