Tiniyak ng malakanyang na hahanapan ng budget ng pamahalaan ang itatayong bagong settlement area na paglilipatan ng mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Ayon Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naghahanap na ang gobyerno ng lugar na magiging relokasyon para sa mga residente.
Iginiit rin ni Panelo na hindi na kailangang maglabas ng dokumeto para sa deklarasyon ng no man’s land sa Taal island.
Aniya, hindi naman talaga dapat puntahan ng tao ang lugar dahil sa oras na may maganap na eruption, lahat ng mga tao roon ay tiyak na mamamatay.
Facebook Comments