Budget sa pabahay sa 2018, inihihirit na dagdagan

Manila, Philippines – Pinadadagdagan ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez ang budget para sa pabahay sa susunod na taon.

Dismayado si Benitez sa ibinaba ng pondo para sa pabahay sa 2018.

Aabot lamang sa 4.795 Billion ang alokasyon sa housing sector sa 2018 na mas mababa ng 68.87%.


Ang pondo ng National Housing Authority o NHA ay 82.38% na mas mababa para sa susunod na taon.

Bukod dito, wala ding alokasyon para sa permanenteng pabahay para sa mga biktima ng kalamidad.

Iminungkahi ni Benitez na isama sa “Build Build Build” project ng administrasyon ang pabahay at huwag lamang puro imprastraktura.

Nangangamba ang kongresista na aabot sa 6.8 million ang housing backlog pagsapit ng 2022 base na rin sa datus ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Facebook Comments