BUDGET | Unang araw ng pagdinig sa 2019 P3.757 trillion budget, umarangkada na sa Kamara

Manila, Philippines – Sinimulan na ng House Appropriations Committee ang unang araw ng pagdinig para sa P3.757 Trillion budget sa 2019.

Unang sumalang ngayong araw ang Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa ilalim ng 2019 budget, 1.377 trillion ang para sa social services, 1.068 trillion naman ang para sa economic services, 709.1 billion sa general public services, 414.1 billion ang pangbayad ng utang ng bansa at 188.2 billion ang para sa defense.


Ang top 10 agencies na nakatanggap ng pinakamalalaking alokasyon ay ang:
DepEd – P659.3 billion
DPWH – P555.7 billion
DILG – P225.6 billion
DND – P183.4 billion
DSWD – P173.3 billion
DOH – P141.1 billion
DOTR – P76.1 billion
DA- P49.8 billion
JUDICIARY – P37.3 billion
ARMM – P32.2 billion

Ang 2019 budget ang unang cash-based budgeting ng Duterte Administration kung saan itinatakda ang one year validity sa pondo ng bawat ahensiya kaya kailangang gastusin agad ito sa mga pinaglalaanang proyekto.

Facebook Comments