BUDOL-BUDOL GANG | Leader at 5 kasabwat, timbog!

Quezon City – Natuldukan ang modus ng isang 67-anyos na ginang kasunod ng kinasang entrapment operation ng Quezon City Police District station 2 sa Roosevelt Ave. Barangay San Antonio, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Salvacion Rizo,gumagamit ng alyas na si Lanie Reyes, target ang mga negosyante at may standing warrant of arrest sa Valenzuela RTC.

Ayon kay QCPD station 2 Commander Psupt. Lito Mantala, inireklamo nina Jenifer Santos at Ladylyn Peña ang suspek matapos itakbo ang 2 truck na bigas na nag kakahalaga ng kalahating milyong piso.


Muling nakikipagtransakyon ang suspek kaya inihanda na ang entrapment operation.

Matapos maaresto aminado si Rizo sa modus operandi at sinabing 3 taon na niya itong ginagawa.

Bukod sa kanya 5 kasabwat pa ang naaresto at nahaharap sa kasong large scale estafa.

Facebook Comments