DISGRASYA | Rider na nakikipagkarerahan sa kasabayang motorsiklo, sumalpok sa jeep

Quezon City – Sugatan at posibleng nabalian ang isang motorcycle riding ito ay matapos sumalpok sa jeep sa quezon Ave. sakop ng Barangay Sta. Cruz, Quezon City.

Nakilala biktima na si Rodric Ocampo na inirereklamo ang pananakit ng baywang tiyan at gulugod.

Ayon sa jeepney driver na si Mark Delos Santos, 29-anyos, mag-u-uturn siya sa Quezon Ave ng makitang paparating ang biktima habang nakikipag karera sa kasabayang rider.


Sa pag-iwas ng biktima sumemplang ito at dumausdos papunta sa papalikong jeepney.

Wasak ang harapang bahagi ng motorsiklo habang hindi naman makagalaw si Ocampo.

Hindi niya maitaas ang dalawang paa at kahit pisilin ng medical team ang mga daliri sa paa at mga hita wala na raw siyang nararamdaman.

Agad naialis sa kalsada ang mga sangkot na sasakyan at dinala sa trapik Sector 1 kasama ang driver ng jeep para sa isasagawang imbistigasyon.

Facebook Comments