BUENA MANO | Gilas Pilipinas, wagi kontra Japan

Manila, Philippines – Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang buena manong panalo kontra team Japan sa kanilang debut game para sa ASIAN qualifiers ng 2019 FIBA World Cup.

Nanalo ang Gilas Pilipinas sa score na 77-71 kung saan kumamada ng 20-points si Jayson Castro upang pangunahan ang national team habang nag-ambag naman si naturalized player Andray Blatche ng 13-points.

Lamang ng sampu ang Gilas sa score na 70-60 sa pagpasok ng 4th quarter ng laro pero nahabol ito ng Japan at naidikit sa 72-69 pero hindi ito naging sapat para makuha nila ang panalo.


Susunod na makakasagupa ng Gilas ang karibal nitong Chinese Taipei sa November 27 na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Facebook Comments