Buena manong oil price hike ngayong 2019, ipatutupad sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Matapos ang serye ng rollback noong isang taon, nakaamba na sa susunod na linggo ang buena manong oil price hike ngayong 2019.

Sa abiso, maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.60 hanggang P0.70 sa diesel.

Nakakasa na rin ang taas presyo sa kerosene na maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro.


Pero paglilinaw ng mga oil company, ang price hike ay hindi dahil sa ikalawang bugso ng fuel excise tax kundi dahil sa pagmahal ng imported na langis.

Matatandaang una nang sinabi ng Department of Energy na magiging epektibo lang ang price adjustment sa langis dahil sa mas mataas na buwis kung ubos na ang lumang stock ng mga oil company.

Samantala, sa Martes ng umaga inaasahang ipapatupad ang dagdag-singil.

Facebook Comments