Buendia station ng EDSA Busway, bubuksan na sa publiko bukas

59

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na bubuksan na nila bukas sa publiko ang Buendia Station sa kahabaan ng EDSA busway.

Kasabay nito ang pagbukas ng bagong tayong footbridge sa intersection ng Edsa at ng Gil Puyat Avenue.

Dahil dito, inaasahang mapapaluwag nito ang pedestrian traffic at masisiguro ang pagsakay at pagbaba ng mga commuters.


Sa ngayon, mayroon nang 13 operational bus station sa EDSA busway.

Facebook Comments