Cebu City Vice Mayor Michael Rama, pormal nang nanumpa bilang alkalde ng lungsod

421
Courtesy: Cebu City Mayor Michael Rama | Facebook

Pormal nang nanumpa si Cebu City Vice Mayor Michael Rama bilang alkalde ng lungsod kasunod ng pagkamatay ni Mayor Edgardo Labella.

Kapwa nanumpa si Rama at si Councilor Dondon Hontiveros na siyang hahalili naman sa pagkabise alkalde sa kaharapan ni Justice Gabriel Ingles.

Ito ay pagsunod na rin sa panuntunan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na isasagawa ang pag-angat ng pwesto kasunod ng pagkamatay ng isang pulitiko sa ehekutibo.


Nilinaw naman ni Rama na hindi nila binabastos ang pagkamatay ni Labella bagkus ay kailangan din nilang pangasiwaan ang operasyon ng lungsod.

Nakatakda namang pumalit kay Hontiveros si dating councilor Joy Pesquera sa maiiwan nitong pwesto.

Nasawi si Mayor Labella sa edad na 70 noong Biyernes dahil sa septic shock secondary to pneumonia.



Facebook Comments