May sapat na suplay ng bigas sa buong bansa hanggang sa susunod na araw matapos dagdagan ng National Food Authority (NFA) ang kanilang buffer stock o imbak ng bigas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mayroong 10.1 million na sako ng palay at 1.2 million sako ng bigas ang NFA na sapat sa loob ng 10 araw.
Ito aniya ang pinakamataas na imbentaryo mula noong 2020.
Sabi ni Castro, tugon ito ng NFA sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aktibong bumili ng palay sa mga magsasaka.
Batay sa NFA, may natitira pang ₱12-bilyong pondo ang ahensiya na ilalaan sa pagbili ng palay ngayong panahon ng anihan.
Inaasahang makikinabang nang husto ang mga magsasaka dito gayundin ang publiko dahil magdudulot ito ng mababang presyo ng bigas sa mga pamilihan.