Buffer stock ng NFA, kapos na sa labing limang araw

Manila, Philippines – Kapos na sa labing limang araw ang required buffer stock ng National Food Authority.

Ito ang kinumpirma ng NFA – kung saan pang walong araw nalang ang kanilang stock.

Mahalaga ang buffer stock – dahil ito ang ginagamit para punan ng murang bigas ang merkado at makontrol ang pagtaas ng presyo ng commercial rice dahil sa kulang na suplay.


Dahil dito – patuloy na itinutulak ng NFA ang importasyon ng 250,000 tonelada ng bigas sa pamamagitan ng government-to-government arrangement para mapunan ang kakulangan.

Babala ng NFA lalo pang ninipis ang suplay nila ng bigas pagpasok ng tag-ulan oras na mangailangan para sa mga kalamidad.

Una ng kinontra ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagsasabay ng importation sa anihan ng palay para hindi malugi ang mga magsasaka.
DZXL558

Facebook Comments