Pagpapalawak ng mga kalsada, tinututukan ng DPWH

657

Manila, Philippines – Tinututukan ngayon ng Department of Public Works and Highways ang pagpapalawak ng mga kalsada upang masolusyunan ang decongestion na nararanasan ng mga motoristang gumagamit ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa DPWH-NCR, magkakaroon ng karagdagang tatlong lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, partikular sa Zuzuarueggi St. hanggang sa Villa Beatriz Street.


Tinatayang aabot sa 41 milyong pisong halaga ang proyekto, kasama na rin ang pagpapagawa ng sidewalk para sa mga pedestrian kung saan sa kasalukuyan, nasa 90 percent na ang naturang proyekto.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DPWH sa iba pang ahensya ng pamahalaan, upang mailipat sa Bulacan, ang mga informal settlers na naninirahan sa naturang kalsada.

DZXL558

Facebook Comments