Bugaw ng Dalawang Menor De Edad, Nahuli ng NBI Isabela!

49

Gamu, Isabela – Kaagad na nahuli ang bugaw ng dalawang menor de edad sa isang beer house ng Barangay Upi, Gamu Isabela sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa oras na alas onse ng gabi, May 16,2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan sa programang Straight To The Point kay NBI Provincial Director Temoteo Rejano, aniya ang recruiter at bugaw na si Bernadette Palas, 26 taong gulang at residente ng Tabuk, Kalinga ay ginawang waitress sa beer house ang dalawang menor de edad ngunit naging bar fine ang trabaho ng kambal.

Sinabi pa ni NBI Provincial Director Rejano na ang pagkakalam umano ng kambal ay ipapasok sila ni Palas bilang katulong sa nasabing lugar.

Nahuli rin ang cashier ng beer house na si Jenelyn Sibal at sasailalim na sila ni Palas sa Inquest ngayong araw.

Nasa tanggapan pa ng NBI Isabela ang kambal na 17 taong gulang kung saan sila ay mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Iginiit pa ni PD Rejano na isa ito sa malaking tagumpay ng NBI Isabela dahil sa qualified human trafficking ang ikakaso kay Bernadette Palas na walang nairekomendang piyansa sa  kaso nito.

Facebook Comments