Dating OFW na Wanted, Arestado!

105

San Mateo, Isabela – Sa bisa ng warrant of arrest ay matagumpay na nahuli kaninang umaga, May 17,2018 ang dating OFW na wanted sa batas sa Barangay Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Sa impormasyong ipinarating ng PNP San Mateo, ang akusado ay kinilala na si Carlito Castroverde, 33 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Naaresto si Castroverde dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Againts Women and their Childrens na naganap noong April 6,2016, at ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Honorable Judge Reymundo L. Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City.

May kabuuang Php 24,000.00 ang nairekomendang piyansa sa kaso ni Castroverde para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa tanggapan na ng PNP San Mateo ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments