BUGBOG SARADO | Isang lalaki, sugatan matapos pagtulungan bugbugin sa Capiz

Capiz – Sugatan ang isang lalaki matapos itong barilin ng isang tanod at pagtulungang bugbugin ng kaibigan ng suspek sa Barangay Butacal, Panay, Capiz.

Nakilala ang biktima na si Efren Diestro Sr., na nagtamo ng sugat sa kanyang hita matapos binaril ng suspek na si Carlos Ciudad na isang tanod sa naturang barangay.

Sa imbestigasyon, nagduda ang biktima na kulang ng isang kahon ang paninda nitong beer at kanyang nakita ang suspek na bitbit ito.


Kinumpronta ng biktima ang suspek ngunit binaril siya nito pero nagawa pa din na mahabol ni Ciudad ang tanod matapos tumakas.

Nakita naman ng mga kaibigan ng suspek na ito ay hinahabol kung kaya at kanilang pinagtulungang bugbugin ang sugatang biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima habang ang tanod at mga kabigan nito ay hindi na mahagilap ng mga pulis.

Facebook Comments