Bugso ng mga motorista sa NLEX, inaasahan mamayang hapon o bukas

Maluwag pa nang bahagya ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay NLEX Traffic Senior Manager Robin Ignacio, inaasahan nila ang pagdagsa ng mas maraming motorista mamayang hapon o bukas, bisperas ng Bagong Taon.

Aniya, marami pa kasi ang posibleng pumasok sa trabaho bukas na deklaradong special working holiday.


Tiniyak naman ni Ignacio na handa silang magdagdag ng mga cash collection toll sakaling humaba ang pila sa mga toll gate.

Habang hinimok din niya ang mga motorista na gumamit ng Radio Frequency Identification o RFID para maging mas mabilis ang usad ng mga sasakyan.

Samantala, ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Spokesperson Julius Corpuz, nasa halos tig-300,000 sasakyan ang inaasahan nilang babaybay ngayon sa sa NLEX at South Luzon Expressway (SLEX).

Aniya, tuwing holiday season, nasa 10% hanggang 20% ang itinataas sa volume ng mga sasakyan sa mga expressway kumpara sa mga ordinaryong araw.

Sa ngayon, mas marami sa mga motorista ay bumabiyahe palabas ng Metro Manila.

Facebook Comments