“BUHAY INGAT, DROGA’Y AYAWAN” NA PROGRAMA NG DILG, INILUNSAD SA SISON

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Sison ang programang “Buhay Ingat, Droga’y Ayawan” (BIDA) sa kanilang bayan.
Ito ay alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Pinangunahan ng alkalde ng Sison, Mayor Danilo C. Uy ang paglulunsad ng programa kasama ang buong pwersa ng mga kapulisan at ng mga empleyado ng iba’t ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Sison.

Nagkaroon din ng symposium/seminar na may kaugnayan sa nasabing programa na naglalayon na mas paigtingin pa ang kampanya laban sa illegal na droga. |ifmnews
Facebook Comments