BANGKAY NG ISANG DALAGA, NATAGPUANG PALUTANG LUTANG SA IRIGASYON SA BUGALLON

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa may kinalaman sa pagkamatay ng isang bente dos anyos na dalaga sa bayan ng Bugallon.
Ang biktima ay nakilalang si Roxanne Ocampo, residente ng Barangay Bacabac, Bugallon, matapos itong matagpuang wala nang buhay ngayong umaga sa isang irrigation pond sa Barangay San Francisco sa nasabing bayan.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima Sabado ng gabi sa isang peryahan sa bayan kung saan ay kasalukuyang nagkakaroon ng kapistahan ang bayan ng Bugallon. |ifmnews

Facebook Comments