Masayang ibinahagi ng aktres na si Bettina Carlos ang kanilang paninirahan sa probinsya.
Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Bettina na bukod sa sariwang hangin at mas malayang pagkilos, mas natuto itong mag-budget sa pang-araw-araw na gastos lalo na sa pagkain nilang pamilya.
Pagmamalaki nito, umaabot lamang sa P120 hanggang P200 ang nagagastos niya sa pagkain nilang pamilya habang nasa probinsya.
P15 kada tao lang din daw ang gastos nila sa umagahan na itlog, malunggay pandesal at 3-in-1 na kape.
Ayon pa sa aktres, mas marami silang nakakain ngayon na gulay at isda kumpara sa karne at mas natuto ang kaniyang pamilya na ubusin ang pagkain dahil wala silang food containers.
Bukod dito, mas naging responsable din sila dahil kaniya-kaniya sila ng laba at lahat nakakapaghugas ng pinggan.