Build Back Better, Tinalakay ng DENR sa mga Local Officials ng Isabela

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng pag-uusap ang mga empleyado ng PENRO Isabela at CENRO Cabagan sa mga lokal na opisyal ng mga bayan ng San Pablo, Sta Maria, Cabagan, Sto. Tomas, Tumauini, at Delfin Albano upang talakayin ang mga gagawing plano sa Build Back Better (BBB).

Pinangunahan nina SEMS Baltazar Rañin at Engr. Raul Palaganas kasama ang grupo mula sa CENRO Cabagan ang pagtalakay kaugnay sa mga gagawing rehabilitasyon sa floodgates at mga ilog sa Isabela.

Kabilang din sa mga pinag-usapan ang pagtatanim ng kawayan o bamboo upang maiwasan ang pagguho ng lupa, siltation at mailayo sa peligro ang komunidad lalo na sa mga panahon ng sakuna o kalamidad.


Sinabi naman ni Ginoong Marlon Agnar ng PENRO Isabela, isasagawa ang delineation at demarcation sa mga dredging sites pagkatapos ng kanilang information drive sa mga lugar na nasa bahagi ng Ilog Cagayan mula sa bayan ng San Pablo hanggang sa Lungsod ng Ilagan.

Matatandaan noong ika-19 ng Pebrero, personal na pinangunahan nina DENR Secretary Roy Cimatu, ang BBB taskforce chairperson, at Public Works Secretary Mark Villar, co-chair ang ceremonial dredging ng sandbars at pagtatanim ng mga kawayan sa gilid ng Cagayan river na sakop ng Barangay Bangug sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Facebook Comments