Isinusulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano na palitan ang Build, Build, Build program ng Build Back Better program.
Sa ilalim ng inirerekomendang Build Back Better program ni Cayetano ay ipaprayoridad ang mga infrastructure program na tutugon sa ‘new normal’ requirements.
Ibig sabihin, ang mga imprastraktura sa ilalim ng health, education, agriculture, local roads and livelihood, information technology at tourism sectors ay dapat na makasunod sa mga pag-iingat laban sa pandemic.
Layunin din ng Build Back Better program na palakasin ang mitigation at recovery efforts ng gobyerno laban sa COVID-19.
Ipinunto rin ni Cayetano ang pangangailangan sa pagsasaprayoridad sa mga infrastructure project na lilikha ng maraming oportunidad at trabaho sa mga Pilipino kasabay ng pagtulong sa publiko na makasabay sa ‘new normal’.