Build Build Build at Reclamation projects ng administrasyong Duterte ipinatitigil  ng grupong No Eviction Unity

Dumulog sa  Commission on Human Rights ang No Eviction Unity para igiit ang pagkontra sa Build Build Build program at Reclamation projects ng Administrasyong Duterte.

Sa kanilang People’s Declaration, iginiit ng grupo na mawawalan ng tahanan at kabuhayan ang libo libong pamilya   sa mga lugar kung saan isinasagawa ang mga imprastraktura.

Ayon kay Maristel Garcia ng No Eviction Unity, sa ilalim ng Build Build Build, nasa anim na paliparan, siyam na railways, tatlong rapid bus transits, 32 na mga kalsada at tulay, apat na seaports, ang Mega Manila subway at marami pang iba ang target na makumpleto ng gobyernong Duterte.


Ang reklamasyon naman aniya, partikular sa mga sakop ng Manila Bay, maliban sa magkakaroon ng demolisyon ng mga residential at commercial structures, tiyak na paaalisin ang mga nakatira sa coastal areas, kahit pa walang malilipatan.

Idingdag ni Garcia na  bagama’t sinasabi ng pamahalaan na makakatulong ang mga proyekto para magbigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, mag-ingat umano rito dahil naririyan pa rin ang mga manggagawang Chinese na lalong dumarami ang presensya sa labor sector.

Facebook Comments