‘Build, Build, Build’ Committee, naglaban bawi sa 5-min. challenge sa EDSA

Manila, Philippines- Matapos ipagmalaki na kaya ang 5 minutong biyahe mula Cubao, Quezon City patungong Makati, kumabig si ‘Build, Build, Build’ Committee Chair Anna Mae Lamentillo sa sinabi nitong kaya sa Disyembre ang ipinangako noon ng Pangulong Rodrigo Duterte na makakarating ang sasakyan sa EDSA Cubao hanggang Makati sa loob lamang ng 5 minuto.

Katwiran ni Lamentillo, ayaw niyang pangunahan ang anunsyo ng masterplan at programa ng DOTr at DPWH na kinabibilangan ng pagbubukas ng Skyway Stage 3 project, C5 Southlink, Caloocan interchange at iba pa.

Una rito, sa presentasyon ng mga infrastructure project sa Metro Manila, ipinagmalaki ni Chair Lamentillo na magbibigay katuparan ito sa 5-minute travel time sa pagitan ng Cubao at Makati.


Gayunman, nang tanungin na sa detalye at kung paano ito maipapatupad, inamin ng opisyal na ibang kalsada pala ang kanyang tinutukoy.

Facebook Comments