BUILD, BUILD, BUILD | Implementasyon ng mga proyekto, tututukan ngayong taon

Manila, Philippines – Tututukan ng Administrasyong Duterte ang mas maraming implementasyon ng mga programa at proyekto ngayong taon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa simula pa lamang ay nakalatag na ang plano ng administrasyon para sa bansa dahil alam ng gobyerno kung saan dadalhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan.

Maraming nakalinyang proyekto ang isasagawa ng administrasyon sa ilalim ng Build, Build, Build Program bilang bahagi ng pagtupad ng Pangulo sa kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.


Sa huli sinabi pa ni Andanar na hindi rin pinababayaan ng pamahalaan ang isyu ng peace and order sa bansa.

Facebook Comments