‘Build, Build, Build Program’, malaki ang naiambag sa ekonomiya sa gitna ng pandemya ayon sa Palasyo

Umabot sa mahigit P1 trillion ang infrastructure spending ng Duterte administration sa ‘Build, Build, Build Program’ ngayong taon.

Bahagi ito ng naging pag-uulat ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na may kaugnayan sa mga naging accomplishment ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Nograles, ang infrastructure spending ay katumbas ng 5.1% Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas na naging dahilan sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Kasunod nito, kumpiyansa ang pamahalaan na hahataw pa ang pag-angat ng ekonomiya hanggang 5.8% sa susunod na taon.

Ilan sa mga proyekto na nasa ilalim ng ‘Build, Build, Build Program’ ang nakumpleto na ay ang 233 airport projects at 484 seaport projects, railway projects, pagpapagawa ng halos 32,000 na kilometers na mga daan, mahigit 12,000 flood control and management projects at marami pang iba.

Facebook Comments