Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga business leaders ng Thailand na sumali sa nagpapatuloy na build-build-build program ng Pamahalaan.
Ito ang isa sa mga sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pakikipagkita sa may 20 business leaders ng Thailand dito sa Bangkok.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ngayon ay patungo ang Pilipinas sa mas matatag at mas ligtas na bansa para magnegosyo.
Paliwanag ni Pangulong Duterte sa malakas na macroeconomic policies at nagpapatuloy na reporma at tiyak na magiging competitive ang Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng ekonomiya at pagnenegosyo.
Tiniyak din ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng corruption-free business climate at maraming skilled at fast learning na workforce.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na pinahahalagahan niya ang mga kasalukuyang Thai business sa Pilipinas at umaasang dadami at magpapatuloy pa ang mga ito sa mga susunod pang taon.
Partikular na inimbitahan ng Pangulo ang mga Thai businessmen na maglagak ng negosyo sa mga bagong industrial destinations tulad ng Metro Manila, Pampanga, Clark, Cebu, Bohol and Davao.