Ramdam na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa border control point sa Muntinlupa at San Pedro, Laguna.
Nagtatagal ang usad ng trapiķo dahil sa hinahanapan pa ng mga papeles ang mga motorista at pasahero
Kabilang sa mga hinahanap ay ang mga company ID at certification ng mga employer ng mga Authorized Person Outside Residence (APOR) na tumatawid sa hangganan.
Inaakyat mismo ng mga tauhan ng Muntinlupa at Laguna Philippine National Police (PNP) ang mga Jeep at inaalam kung APOR ang mga sakay ng mga pampasaherong jeep at bus.
Lahat ng hindi APOR o hindi makapagpakita ng ID o employer’s certification ay pinapababa at pinapabalik sa bahay.
Payo ng PNP, kung aalis ng bahay ang mga APOR, isuot na sa leeg ang mga company ID upang hindi na magtagal ang ginagawang inspection.
Sinisita rin ang mga sasakyan na walang plaka.
Sa pangkalahatan ay nakakasunod naman ang mga motorista at biyahero.
Nakatulong na umano ang nagdaang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para magkaroon ng karanasan sa mga dapat sundin sa ilalim ng ECQ.