Building officials sa mga lugar na sinalanta ng lindol, pinagsusumite ng assessment report ng DPWH

46

Inatasan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng building officials at municipal engineers mula sa mga lugar na niyanig ng malakas na lindol noong Miyerkules na magsumite ng assessment report.

Layon nito na matiyak kung nakakasunod sa building code ang mga gusali sa lugar.

Sakop nito ang mga pribadong gusali lalo na sa Cordillera Administrative Region at Region 1.


Nagsasagawa na rin ng assessment ang DPWH sa structural components sa mga pribado at pampublikong gusali sa naturang mga rehiyon.

Facebook Comments