BUKAS-BAGAHE | Department of Transportation, pinaalalahanan ang mga kawani ng mga paliparan na bawal buksan ang mga bagahe ng mga pasahero

Manila, Philippines – Ipinaalala naman ni Transportation Sec. Arthur Tugade na hindi pwedeng buksan ng mga kawani o empleyado ng mga paliparan ang mga bagahe ng mga pasahero.

Ito ay kasabay na rin sa pag-uusap ng kalihim na huwag pag-interesan ang mga bagahe ng mga OFW at mga turista.

Giit ni Tugade, hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiiral ang anumang uri ng korapsyon ng Pilipinas.


Sa bagong inilabas na guidelines ng DOTr para sa mga baggage handler, dapat walang bulsa ang kanilang mga uniporme.

Facebook Comments