NALALAPIT NA VACATION SEASON | PNP Aviation Security Group, nagpaalala sa mga pasahero

Manila, Philippines – Hinimok ng PNP Aviation Security Group (AVSE GROUP) ang airport passengers ma huwag magdala ng armas at iba pang ipinagbabawal na bagay para maiwasan ang flight delays.

Kasabay ng inaasahang pagdami ng mga pasahero bibiyahe ngayong summer vacation at Holy Week.

Paalala pa ni PNP AVSE Group Director, C/Supt. Dionardo Carlos siguraduhing dala ang mahahalagang dokumento lalo na ang permit to transport mula sa PNP kung magdadala ng baril at bala sa biyahe.


Inatasan na rin ang mga tauhan ng AVSE Group na ipatupad ang istriktong screening procedure sa lahat ng paliparan sa bansa.

Facebook Comments