BUKAS NA | Aplikasyon para sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals, Binuksan na ng Judicial and Bar Council

Manila, Philippines – Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon at nominasyon para sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals at mga hukuman sa NCR, Region 6 at Region 8.

Sa apat na pahinang abiso na ipinalabas ni Supreme Court Clerk of Court at JBC ex-officio Secretary Edgar Aricheta, may isang bakanteng pwesto para sa pagka-mahistrado ng Court of Appeals dahil sa pagkakatalaga kay dating CA Associate Justice Socorro Inting bilang Comelec Commissioner.

Umaabot naman sa apatnaput-dalawa ang bakanteng pwesto sa mga hukom sa ibat-ibang korte sa NCR.


Itinakda ng JBC ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon at mga requirement sa July 10 dakong alas kwatro y medya ng hapon.

Samantala, inanunsyo rin ng JBC ang muling pagbubukas ng aplikasyon sa 10 judgeship position sa mga korte sa Regions 6 at 8.

Mayroon hanggang June 25 ang mga interesadong aplikante para maghain ng aplikasyon.

Facebook Comments