Suspek na Pumatay sa Dalawang Magkapatid, Nahuli Na

Ilagan City, Isabela – Naaresto na ng kapulisan ang suspek na pumatay sa dalawang magkapatid kahapon ng madaling araw sa barangay Mangcuram, Ilagan City, Isabela.

Ayon kay Police Superintendent Rafael Pagalilauan,hepe ng Ilagan City Police Station, inaayos na ang ilang dokumento upang ma-inquest ang suspek na kinilala muna sa pangalang Edmund.

Matatandaan na pinagbabaril ng suspek gamit ang kalibre 45 na baril sina Danny Rapisora, 45 anyos at Joel Rapisora 40 anyos, kapwa construction worker kung saan nagtamo naman ng gasgas sa katawan ang dalawang anak ni Joel Rapisora na pawang mga residente ng Brgy. San Vicente, Quirino, Isabela.


Sinabi pa ni Police Superintendent Pagalilauan na maaring gumanti ang motibo ng pamamaril sa magkapatid na Rapisora.

Isa rin ito  sa tinitingnan ng kapulisan na maaring anggulo sa naganap na pamamaslang kay Julius Dalit na residente ng Barangay San Vicente, Quirino, Isabela nitong nakaraang Sabado, Mayo bente sais sa Barangay Carikkikan Norte, Ilagan City, Isabela.

Facebook Comments