Kinumpirma ng isang airport insider na may problema rin sa elektrisidad sa administration building ng Manila International Airport Authority (MIAA)
Nabatid na dahil sa walang kuryente sa MIAA admin building, walang aircon ang mga tanggapan dito maliban lamang sa tanggapan ng MIAA general manager.
Ayon pa sa airport insider, hindi rin gumagana ang elevators sa nasabing gusali dahil nga sa walang supply ng kuryente.
Una nang naapektuhan ang libu-libong pasahero sa NAIA-3 matapos na magkaroon ng power outage sa paliparan sa loob ng 7 oras.
Malaking halaga rin ang nalugi sa mga airlines na nag-ooperate sa NAIA-3 bunga ng nasabing aberya.
Nabatid na discharged din ang baterya ng generator set ng paliparan kaya tumagal ang aberya at naging tambak ang mga pasahero sa check in counters at immigration counters.