MECO, nag-anunsyo na rin ng pagluluwag sa travel protocols sa Taiwan

73

Nag-anunsyo na rin ang MECO o Manila Economic and Cultural Office sa pagluluwag ng health protocols sa Taiwan.

Partikular ang paunang pag-alis sa COVID-19 PCR testing requirement sa mga dumadating na pasahero.

Epektibo naman sa October 13, 2022 aalisin na ang hotel quarantine protocols sa mga pasaherong dumadating sa Taiwan.


Ito ay bagama’t depende rin kung hindi na magkakaroon ng pagsirit ng kaso ng infection doon.

Sa ngayon, halos 200,000 ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.

Facebook Comments