Inaasahang bubuksan sa taong 2025 ang 740 billion peso New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan.
Noong August 2019, pormal na ipinagkaloob ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata para sa pagtatayo at pag-operate ng Bulacan Airport project sa San Miguel Holding Corp.
Ayon kay San Miguel Corporation President and COO Ramon Ang, sinimulan na ang konstruksyon ng bagong paliparan.
Nitong Disyembre, ginawaran ng SMC ang Dutch dredging firm na Boskalis ng $1.73 billion contract para magsagawa ng land restoration sa project site.
Nakapaloob sa proyekto ang pagtatayo, pagpapatakbo, at maintenance ng 2,500 hectares airport kabilang ang passenger terminal building na may airside at landside facilities, airport toll road, at apat na runways.
Nakadisensyo ang paliparan sa 100 milyong pasahero kada taon, pero maaari itong palawakin hanggang 200 milyon, at kayang mag-accommodate ng 240 aircraft movements kada oras.
Ikokonekta ito sa North Luzon Expressway (NLEX) sa pamamagitan ng 8.4 kilometers tollway.