Isasailalim na rin sa Alert Level 3 ang Bulacan, Cavite at Rizal.
Epektibo ito bukas, Enero 5 hanggang 15, 2022.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kahapon nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng sub-Technical Working Group on Data Analytics na itaas ang alerto sa tatlong probinsya dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Una nang ibinalik sa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Sa ilalim nito, hindi na ulit papayagan ang face-to-face classes, contact sports, funfairs/peryahan at casino.
Ilang establisyimento ang papayagang mag-operate sa 30% indoor venue capacity para sa mga fully vaccinated individuals at 50% sa outdoor.
Habang ang trabaho at opisina ng gobyerno ay papayagan lamang sa 60% ng kanilang onsite capacity.
Nagkasundo rin ang Metro Manila mayors na pagbawalang lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 sa ilalim ng Alert Level 3.