Bulacan Cong. Danny Domingo, itinangging nanghingi siya ng kickbacks sa flood control projects

Itinanggi ni Bulacan 1st District Cong. Danny Domingo na nanghingi siya ng kickbacks sa flood control projects sa Bulacan.

Sa ambush interview sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Domingo na pinatunayan niya sa kanyang pagharap sa ICI na walang katotohanan ang akusasyon ng mga dating opisyal ng DPWH.

Tiniyak din ni Domingo na tinutugunan na ng national government ang problema sa malawakang pagbaha sa Bulacan.

Facebook Comments