Bulacan-PNP, pumalag sa pagdadawit sa kanila sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga persons of interest sa Bulacan Massacre

Bulacan – Pumalag ang Bulacan Provincial Police Office sa pagdadawit sa kanila sa pagpatay sa tatlong persons of interest sa Bulacan Massacre Case.

Ayon kay Bulacan PPO Chief Sr/ Supt. Romeo Caramat – hindi nila kinokonsinte ang anumang aktibidad ng extrajudicial killings sa tatlong isinasangkot sa masaker na sina anthony “Tony” Garcia, Roosebelt “Ponga” Sorima at Rolando “Inggo” Pacinos.

Tiniyak din nitong dumadaan sa due process ang imbestigasyon sa mga persons of interest lalo’t hindi pa naman sila maituturing na suspek.


Matatandaang kamakailan ay binawi rin ni Carmelino Ibañez na siya ang pumatay sa mag-anak ni Dexter Carlos at sinabing tinorture siya ng mga pulis kaya napilitang akuin ang krimen.

Itinanggi ito ni Caramat at aniya, mismong si Ibañes ang umamin sa kanyang kasalanan.

Sa ngayon, tinatrabaho na nila ang pagsasampa ng kaso laban kay Ibañes habang bumuo na ng Special Investigation Task Group para naman sa imbestigasyon ng pagpatay sa tatlong persons of interest.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments