Bulacan – Pinamamadali na ni Bulacan Provincial Director Sr. Supt. Romeo Caramat Jr. ang pagkalap ng mga importanteng dokumento upang sampahan ng kasong multiples murder si Carmelino Ibañes sa Bulacan Prosecutors Office.
Ang pahayag ay ginawa ni Caramat, matapos magpositobo sa DNA test si alyas Miling dahil sa genital swab na isinagawa ng Bulacan Crime Laboratory Test.
Una ng inihayag ni Bulacan Police Provincial Office na tanging si alyas Miling lamang ang nagpositibo sa isinagawa nilang DNA test pero hindi umano ibig sabihin nito na abswelto na ang mga person of interest na isinasangkot sa kaso.
Paliwanag ng opisyal kapag nakakuha sila ng mga bagong ebidensya o testigo na magdidiin sa iba pang mga isinasangkot sa kaso ay maaari nilang muling buksan ang imbestigasyon upang malaman ang iba pang mga kasangkot dito.
Giit ni Caramat, ginagawa ng kanyang mga tauhan ang lahat ng mga paraan upang malaman ang buong katutuhanan sa likod ng kontrobersyal na pagmasaker sa pamilya carlos sa San Jose Del Monte Bulacan.