Buldon LGU nagpasalamat sa tulong ng BARMM Readi

Nagpapasalamat ang Local Government Unit ng Buldon matapos mapagkalooban ng karagdagang ayuda mula sa BARMM Government.

Napakalaking tulong aniya ito para sa kanyang mga kababayan ayon pa kay Buldon Mayor Abolais Manalao.

Bukod sa relief assistance, mas higit na pinasalamatan ng LGU Buldon ang presensya ni MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo at head ng BARMM Readi na sya mismong nanguna para madala ang mga relief items sa kabila ng pagiging abala nito sa kanyang schedule.


Nakaka high- moral aniya ito hindi lamang para sa mga opisyales ng LGU, maging sa Baranggay at lalo na sa mga residente ng bayan kasabay ng hinaharap ng krisis na dulot pa rin ng Covid -19 ayon naman kay Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan .

Isinagawa ang aktibidad sa Brgy. Nuyo, maituturing na isa sa pinakamalayong barangay ng Buldon.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments