Buldon Maguindanao suportado ang BOL

Libo libong mga residente ng bayan ng Buldon sa Maguindanao ang lumahok sa isinagawang Multi- Sectoral General Assembly para sa pagpapaunawa ng mga nilalaman ng Bangsamoro Organic Law.

Isinagawa ito noong araw ng linggo, October 21 sa Municipal Gym sa Barangay Calaan .

Dumalo sa aktibidad ang mga kawani ng LGU,mga opisyales, mga Ulama, representante ng military, MILF, MNLF at mga residente mula sa 15 barangay.


Nanguna rin sa pagpapakita ng kanilang suporta sa isinusulong na BOL sina Mayor Abolais Manalao at Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan.

Kaugnay nito patuloy ang paghikayat nina Mayor Manalao at Vice Mayor Cairoden sa kanilang mga kababayan na suportahan ang BOL sa pamamagitan ng paglahok sa gagawing plebisito sa January 21, 2019.
Ang BOL ay magiging malaking tulong para sa pagkamit ng tunay na Kaunlaran at Kapayapaan para sa mga Bangsamoro giit ni Mayor Manalao.

Facebook Comments