Bulkan Kanlaon, nasa ‘restive state’; Alert Level 1, nananatiling nakataas

Nasa “restive” state ngayon ang Bulkang Kanlaon sa gitna ng pagtaas ng mga naitatalang lindol at paglabas ng usok sa paligid ng bulkan nitong mga nagdaang linggo.

Ang bulkan ay nasa Alert Level 1 mula pa noong Marso 2020, ibig sabihin nasa abnormal ang kondisyon nito at pumasok sa period of unrest.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, may indikasyon na may posibilidad na magkaroon ng phreatic o steam-driven explosion.


Sa ngayon, sinabi ni Solidum na wala pang ebidensyang magpapatunay na mayroong magma na umaangat mula sa crater.

Hinimok ni Solidum ang publiko na maging alerto at iwasang pumasok sa four-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng phreatic eruptions.

Facebook Comments