Wala dapat ipangamba ang mga Pangasinense ukol sa maaaring mangyaring volcanic eruptions kahit na may mga bulkan sa lalawigan.
Ito ay binigyang linaw ni Rondale Castillo ng Provincial Disaster Risk Reduction Office ng Pangasinan, matapos ang mga nagkalat na post sa social media ng mga listahan ng bulkan sa lalawigan.
Ang mga ito umano ay mga extinct o patay na hindi umano puputok o magbubuga ng abo.
Dagdag pa niya na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may tatlong bulkan sa lalawigan ng Pangasinan na matatagpuan sa Mangatarem, Umingan at Balungao.
Saad pa niya na wala ng dapat ipangamba ang mga residente dito dahil maituturing ng patay o extinct na ito na maliit na lamang ang tyansa na sumabog ito.
Matatandaan din na may mga hotsprings sa bayan ng Balungao at Mangatarem ngunit hindi umano ito indikasyon na may nagbabadya na volcanic eruption ngunit ito ay bakas lamang ng namatay na bulkan.
Sa ngayon ay patuloy ang ahensiya sa pakikipag ugnayan sa PHIVOLCS sa monitoring ng bulkan kung mayroong mga iba pang hindi naitatala.
Bulkan sa Pangasinan malayo na sa volcanic eruption; Pangasinense wala umanong dapat ikabahala ayon sa PDRRMO
Facebook Comments