Saturday, February 7, 2026

Bulkang Bulusan, ibinaba na sa Alert Level 0 ng PHIVOLCS

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert status ng Bulkang Bulusan mula sa Alert Level 1 naging Alert Level 0 na lang.

Ang nasabing hakbang na ito ay kasunod ng pagbaba ng pangkalahatang monitoring parameters na naobserbahan sa nasabing bulkan.

Kung saan bago ito ay nakapagtala na lamang ng zero hanggang limang volcanic earthquake sa lugar simula noong unang linggo ng Disyembre 2025.

Bukod dito, ilan sa mga recorded events ay nagmula wala pang anim na kilometro sa ilalim ng Southeastern Edifice.

Noong Oktubre at Nobyembre nakaraang taon, nakitaan na rin ng pag impis ng lupa sa bahagi ng Southern at Eastern Sectors.

Samantala, mula noong Hunyo 2025 naglalabas na lamang ng Sulfur Dioxide ang bulkan sa average na 122 tonelada/araw at mahihinang pagbuga ng plume o singaw mula sa crater.

Kaugnay nito , nananatili namang ipinagbabawal pa rin sa publiko ang pagpasok sa 4-kilometer Radius Permanent Danger Zone partikular sa bahagi ng South-Southeastern Slopes ng bulkan.

Facebook Comments