Sunday, May 31, 2026

PBBM, nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan at pagkakaisa ngayong Semana Santa

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na pairalin ang pakikipagkapwa, pag-unawa, at pagmamalasakit bilang bahagi ng pagninilay ngayong Semana Santa.

Sa gitna ito ng mga hamong kinahaharap ng bansa, kabilang ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa pangulo, mahalaga sa panahong ito ang panalangin para sa kapayapaan at kaginhawaan ng lahat, kasabay ng panawagang ipakita ang likas na pagiging mapagbigay at mapagmahal ng mga Pilipino.

Tiniyak din ng pangulo na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na maabot at matulungan ang mga nangangailangan, lalo na ang mga Pilipinong apektado ng sitwasyon sa Middle East.

Hindi aniya titigil ang gobyerno sa pagkilos hangga’t hindi nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino ang tulong at suporta.

Facebook Comments