
Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan dahil sa patuloy na pagtaas ng aktibidad nito.
Nakapagtala na ng 475 volcanic earthquakes mula Marso 15, hudyat ng paggalaw sa ilalim ng bulkan.
Posible umano ang phreatic o steam-driven eruptions kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer danger zone.
Pinag-iingat din ang mga residente sa posibleng ashfall at iba pang panganib.
Sa ngayon patuloy na ang ginagawang monitoring ng PHIVOLCS sa sitwasyon ng bulkan.
Facebook Comments










