Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng apat na beses ng pagyanig sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Magbuga rin ito ng abo na umabot sa 400 meters ang taas bago ito bumagsak sa direksyong hilagang kanluran at timog kanlurang bahagi ng bulkan.
Maliban dito, nagbuga rin ito ng Sulfur dioxide (SO2) o abo na may average ng 1,236 tons bawat araw noong October 1, 2020.
Kaya nitong umaga, itinaas ng PHIVOLCS sa alert level one ang Bulkang Kanlaon.
Dahil dito, ipinagbawal ng ahensya ang paglapit sa bulkan lalo na sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ). Ipinagbawal na rin ang pagdaan ng mga eroplano malapit sa tuktok ng bulkan dahil maaari itong magkaroon ng mga biglaang pagsabog.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng ahensya ang mga aktibidad ng bulkan upang maabisuhan kaagad ang publiko kung sakaling lumalala ito.