Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level one ang Bulkang Kanlaon ngayong umaga matapos itong makitaan ng abnormal activity sa nakalipas na 24 oras.
Sa abiso ng PHIVOLCS na inilabas pasado alas-8 ngayong umaga, sa loob ng 24 oras ay nakapagtala sila ng 3 sunod-sunod na pagyanig ng nasabing bulkan at sinabayan pa ito ng bahagyang pag buga ng abo.
Kaya babala ng PHIVOLCS sa mga residente na nakatira malapit sa bulkan na maging alerto at huwag muna lumapit sa paanan nito.
Ipinagbawal din muna nila ang pagdaan ng mga sasakyan na panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posible ang hindi inaasahang mga pagsabog nito.
Tiniyak naman ng PHIVOLCS na patuloy ang kanilang gagawing pagmomonitor sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon upang makapagbigay agad ng abiso sa publiko na posibleng maapektuhan kung sakaling sumabog ang bulkan.